“Sa Santa Ignacia” ni Jean Alric Almira

“Ang kagandahan ay pinaghihirapan.”

— Michael Coroza

Nakaguhit sa balat ni Deling ang isang libo’t isang hapis —
Obrang masalimuot na nilikha ng
matulis na karayom ng buhay.
Maantak. Madugo.
Ngunit siya ring makikita sa tuyo at namamalat niyang labi
ang pagkatam-is na ngiti,
na siya mismo ang gumuhit.

Di sigurado,
Ang bukas na darating —
“Nawa” ang tangan.



Nanalo ang tulang ito ni Jean Alric Almira ng unang gantimpala sa mADCap Lit Mag poetry contest na may temang “strength in weakness.”